Diskriminasyon at pano ito Iiwasan

                

              Ang diskriminasyon ay isang malaking problema, makikita ito sa kahit saang panig nang mundo o sa kahit kailang sandali nang oras hindi ito mawawala. Sa mundo nang diskriminasyon may dalawang klasing tao ang nag diskrimina at ang dinidiskrimina. Sa tingin ko ang diskriminasyon ay nakakasira sa pagkakaisa nating lahat bialng mga tao. At sa tingin ko dapat kahit alam natin na hindi mawawala ang diskriminasyon ay paghirapan natin na maiwas ang pag-gawa nito.


               Sa tingin ko ang paraan para maiwasan ang diskriminasyon sa ating lipunan ay palalawakin natin ang tingin natin sa lahat nang mga bagay. Lagpasin natin ang "itim o puti". Iwasan natin ang "LGBTQ o hindi". Lagpasin natin ang babae o lalaki, tingnan natin ang mga sarili natin bilang tao, mga tao na may ibatibang buhay. Mga tao na may ibat ibang gusto, ibat ibang personalidad, kahit anong kula, kahit saan nabuhay, mayaman o mahirap. Lahat nang mga bagay na ito ay di makaka-alis sa totoong bagay tungkol sating lahat, na tao lang tayu walang iba.


               At yun sa palagay ko ang paraan na maiiwasan ang diskriminasyon sa ating lipunan. Tangapin natin ang isat-isa. Wag maghusga sa isat-isa. Kahit na anong posisyon mo sa buhay kong mamatay tayu , mamamatay tayo bilang tao. Ang Diskriminasyon ay hindi mawawala pro pwede natin iwasan.

      




Comments

Popular posts from this blog

Hindi tayu nag-iingat

The Wonder Tree : a reflection on respect and hospitality